Nananatiling matatag ang presyo ng sibuyas sa Agora Public Market sa San Juan City kasunod na rin ng pahayag ng Department of Agriculture (DA) na bumaba na ang farm gate price nito.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nananatili sa ₱80/kg ang sibuyas na pula, habang nasa ₱70/kg naman ang presyo ng sibuyas na puti.
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagbaba ng farm gate price nito sa ₱10 hanggang ₱20 kada kilo.
Katuwiran ng mga nagtitinda ng gulay dito, kung hindi lamang mahal ang transportation cost, posible pang bumaba sa ₱40 hanggang ₱50 kada kilo ng sibuyas.
Nabatid na bukas, may naka-amba na namang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis.
Samantala, bahagya ring tumaas ang presyo ng ilang highland vegetables at iba pang gulay gaya ng:
Brocoli – ₱200/kg
Red Bell Pepper – ₱180/kg
Bawang – ₱150/kg
Carrots – ₱100/kg
Cauliflower – ₱100/kg
Repolyo – ₱50/kg
Sayote – ₱30/kg
| ulat ni Jaymark Dagala