Nakabantay ang pamahalaan sa kalalabasan ng trading price sa oil product ngayong Biyernes (March 1), lalo’t dito nakabase ang magiging adjustment sa presyo ng produkong petrolyo para sa susunod na linggo.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Energy Director Rino Abad na base sa kanilang obserbasyon, malaki ang tyansa na makaroon ng pagtaas ang presyo ng gasolina.
Posible aniya na maglaro ito sa karagdagang 40-50 sentimo kada litro.
Ang diesel naman, inaasahan na mayroong 50 sentimos rollback, habang 30 sentimos rollback rin para sa kerosene.
Sabi ng opisyal, ang rollback na ito sa diesel at kerosene ay posibleng pagpapatuloy pa rin ng trend na una nang naitala noong nakaraang linggo.
“Ang nangyaring trend last week na pag-rollback, ang tingin namin, naituloy ang rollback ngayong week, but in fact ang gasolina ‘di na natuloy. Ito lang lumabas ang recent report, na ‘yan rin ang pinag-uusapan sa oil market report na itong nangyaring, disappointing report ng Japan economy for the 4th quarter ng 2023, sinundan ‘yan ng German report na may mga recession.” -Dir Abad. | ulat ni Racquel Bayan