Privatization ng NAIA, inaasahang tatapos sa isyu ng pest infestation at ‘tanim-bala’ sa paliparan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ng mga mambabatas na masosolusyunan ng pagsasapribado ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isyu sa pest infestation, at tanim-bala.

Sa regular na pulong balitaan sa Kamara sinabi ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez na maituturing na ‘blessing’ sa bansa ang bagong tagapamahala sa NAIA.

Aniya, bilang isa ang Pilipinas sa mga pinagkakaguluhan na destinasyon ngayon sa Asya at maging sa mundo ay nais nating sino mang turista, lokal man o dayuhan ay may maayos na pasilidad na magagamit sa paliparan.

Kaya naman kinilala din nito si Transportation Sec. Jaime Bautista at si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sinisikap na gawing first-class at world-class destination ang bansa.

Paalala naman ni Davao Oriental Rep. Cheeno Almario, ang mga paliparan ang nagsisilbing “subconscious benchmark” ng ano mang bansa.

Punto niya, bago naman makabisita saan mang tourist spot o pagkain sa Pilipinas ay sa airport naman sila unang lalapag at unang dadaan.

Naniniwala naman si La Union Rep. Ortega na higit pa sa pest infestation ang aayusion ng San Miguel sa paghawak nito ng operasyon ng NAIA.

Sabi pa ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, tama lang na gawing memorable para sa mga bibisitang turista ang kanilang pagdating sa bansa sa airport pa lang.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us