Niresolba na ng Commission on Higher Education(CHED) ang concerns ng transgender students na makapag-enroll sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST).
Kasunod ito ng ulat na, hindi pinapayagan ng EARIST School Administration na makapag-enroll ang mga mag-aaral ma may mahahabang buhok.
Sa ginanap na dayalogo, sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III na pumayag na ang School Administration na makapag enroll, ang lahat ng mag-aaral gaano pa kahaba ang kanilang buhok.
Ipagpapaliban na rin ng paaralan ang mga kinukuwestiyong probisyon sa Student handbook tulad ng haircut, admission at iba pang polisiya.
Kailangang kunsultahin muna ang mga mag-aaral sa pagbalangkas ng bagong guidelines upang matiyak na maiiwasan sa hinaharap ang mga katulad na insidente.
Bukod dito, ang pag-oorganisa ng CHED ng workshop sa mga Higher Education Institution upang mapahusay ang kanilang mga patakaran sa mga mag-aaral sa hinaharap.
Hinimok pa ni De Vera ang mga HEI na tiyaking naaayon sa mga requirement ng batas ang kanilang student policies at bukas ang linya para sa patuloy na komunikasyon sa mga mag-aaral.| ulat ni Rey Ferrer