Target ng Pilipinas na magkaroon ng mga makabagong teknolohiya para sa livestock industry ng bansa.
Tugon ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang tanungin kung ano ang inaasahan ng pamahalaan sa pagbisita sa bansa, sa susunod na linggo, ng mga agriculture official mula sa Czech Republic.
Ayon sa Pangulo, mayroong magandang teknolohiya ang Czech Republic para sa pagsisiguro ng livestock nito.
“Ang interest natin diyan, is of course the trade, in meat products, may exportation sila ng beef. Ang sabi sakin ni Secretary Kiko kanina, they have technologies para to make gamot para pagandahin ang lagay ng mga inaalagaan nilang livetock.” -Pangulong Marcos.
Bukod dito, malapit na rin aniyang makapag-produce ng swine flu vaccine ang Czech, at pinag-aaralan na ng Pilipinas ang procurement nito, sa oras na maging available.
“They are even close to, they have an Avain flu vaccine, they are coming close to developing a swine flu vaccine, so iyon ang tinitignan natin. Not only will we procure kung sakali, but hopefully we will use it locally para meron tayong sariling source natin.” -Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, ilan lamang ito sa mga linya ng balikatan na inaasahang makukuha ng Pilipinas, sa pagbisita sa Maynila ng mga agri official ng Prague, sa susunod na linggo.
“So, those are the kinds of area we are looking at, in terms of trade dahil we do not grow the same products. We do not have the same season that they have here in the Czech Republic, but in terms of livestock, I think, marami tayong makukuhang bagong technology.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan