Sa gitna ng patuloy na panghihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Australian businessmen na mag- invest sa Pilipinas ay inilahad ng Chief Executive ang tinatayang tuloy-tuloy na magandang estado ng ekonomiya ng bansa para sa taong ito.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa Lowy Institute, inihayag nito na sa solid growth rate na 5.6 percent noong isang taon na naitala ng Pilipinas ay umaasa silang makakamit ng Pilipinas ang pagiging leading sa Asia sa usapin ng ekonomiya.
Kaugnay nito’y inihayag ng Pangulo na welcome sa Pilipinas ang pagiging interesado ng Australia na mag-explore sa posibilidad na mapalawak pa ang kanilang investment opportunities sa bansa.
Base aniya sa Bilateral Plan of Action sa Australia, committed ayon sa Pangulo ang Pilipinas para sa mas lalo pang pakikipagtulungan at mapalawak pa ang kapasidad hinggil sa critical infrastructure security, partikular na ang transport and telecommunications.
Naririyan din, dagdag ng Pangulo, ang pagpapalawak ng kooperasyon para sa mineral resources development, energy transition, gayundin sa space science and technology applications. | ulat ni Alvin Baltazar