Nilinaw ng Malacañang na wala Silang inilalabas na proklamasyon hinggil sa umanoy deklaradong walang pasok sa darating na Lunes, March 11.
Ito ang binigyang- diin sa Official Gazette of the Philippines na kung saan, nilinaw nitong peke ang kumakalat na “Proclamation No. 729.”
Sinasabi sa pekeng proklamasyon na deklaradong nationwide regular holiday sa Lunes, March 11, 2024, upang magbigay daan sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Napag-alaman na tampered ang lumabas na bersiyon ng Proclamation No. 729, series of 2019 na pirmado pa ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea o sa panahon pa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ang Eid’l Fitr ang pagwawakas ng buwan ng Ramadan ng mga kapatid na Muslim at inaasahang papatak ng April 9 o 10 ngayong 2024. | ulat ni Alvin Baltazar