QC LGU, pinalakas ang Contact Tracing sa kaso ng pertussis sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaiigting na ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit ang Contact Tracing sa mga kaso ng pertussis sa lungsod.

Ito’y matapos magdeklara ng outbreak ang pamahalaang lungsod dahil sa pag-usbong ng nasabing sakit.

Bahagi ng Contact Tracing ang case investigation upang matukoy ang iba pang indibidwal na nakasalamuha ng cofirmed case.

Sa sandaling kakitaan ng sintomas, kaagad itong sasailalim sa quarantine at mabigyang lunas lalo na ang mga nakararanas ng sintomas ng sakit na ito.

Kamakailan, nagtungo ang City Epidemiology and Disease Surveillance team sa isang paaralan sa District 2 at nagsagawa ng contact tracing.

Ang pertussis ay isang nakahahawang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng respiratory droplets, kapag bumabahing o umuubo.

Maari din itong makuha sa mga bagay na nahawakan ng isang taong may sakit nito.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us