Naniniwala si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto na masusugpo ang Violence Against Wome (VAW) kapag sinimulan ng mga kalalakihan na wakasan ito.
Bilang mga kalalakihan, maraming kababaihan ang walang boses at hindi maipaglaban ang kanilang sarili.
Ang pahayag ay ginawa ng alkalde ng dumalo sa mass oathtaking ng libo-libong kalalakihan na sumali sa Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE).
Aniya, layunin ng MOVE na himukin ang mga kalalakihan na tumayo sa kanilang pamilya at komunidad at lumaban para proteksyunan ang mga kababaihan.
Batay sa datos ng Philippine Commission on Women, isa sa apat na pinay na may edad 15 hanggang 45 taong gulang ang nakararanas ng physical, emotional, mental at sexual violence mula sa kanilang asawa o partner at sa ibang tao sa kanilang komunidad.
Ang pang-aabuso ay nararanasan ng mga kababaihan hindi lamang sa bahay kundi kahit saang lugar at institusyon.
Hinimok ni Bise Alkalde Sotto ang mga kalalakihan na pangunahan ang paglaban sa karahasan lalo na sa loob ng tahanan sa tulong ng Gender and Development Office ng Pamahalaang lungsod ng Quezon. | ulat ni Rey Ferrer