Sisimulan nang isalang sa deliberasyon sa plenaryo ng Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 o panukalang economic charter change bukas.
Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., inaasahan nila na magiging maikli na lang ang talakayan nito matapos ang anim na araw na masinsinang interpelasyon ng Committee of the Whole.
“In plenary, the proponents of the economic Charter changes will defend their proposals. The plan is to have three days of debates, with the second-reading vote set shortly after the termination of discussions and the period for amendments on the third day,” saad niya.
Dagdag pa nito nanananatili ang timeline na inilatag ni Speaker Martin Romualdez, para matapos nila ang RBH7 at maaprubahan sa 3rd reading bago ang Holy Week break.
Muling binigyang diin ni Gonzales na ang panukalang economic chacha ay magbibigay ng flexiblity sa Kongreso para baguhin ang foreign capital at foreign ownership restrictions sa Salignag batas, partikular sa public utilities, education at advertising.
Ito ay para matulungan ang Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na makahikayat pa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
“The ratification of the amendments will immediately send a powerful signal to investors that we want to attract more foreign investments in these sectors of the economy by changing those limitations down the road,” aniya
Kasalukuyan namang dinidinig din ng sub-committee sa senado ang kanilang bersyon na RBH 6.| ulat ni Kathleen Forbes