Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-75 anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas at Republic of South Korea, pinagtibay ng Senado ng Senate Resolution 946 na kumikilala sa matatag na pagkakaibigan at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Pinunto sa resolusyon na ang South Korea ang isa sa pinakamalaking development partners ng Pilipinas.
Noong 2020, umabot sa P2.1 billion ang naging kontribusyon ng South Korea sa Pilipinas.
Kapwa lumagda sa isang Free Trade Agreement ang dalawang bansa noong September 7, 2023.
Nakasaad rin dito ang patuloy na kolaborasyon ng dalawang bansa pagdating sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng Smart Agriculture Missions at sa pag-explore pa ng mga posibleng areas of investments at best practices sharing.
Ka-partner rin ng Pilipinas ang South Korea pagdating sa modernisasyon ng ating sandatahang lakas.
Ang South Korea rin ang isa sa mga top foreign tourist sa Pilipinas na umabot sa 1.44 million o katumbas ng 26.4 percent ng total foreign tourist arrivals sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Nakasaad sa resolusyon na umaasa ang Pilipinas sa patuloy na pagpapalakas ng bilateral relations at diplomatic ties sa South Korea.| ulat ni Nimfa Asuncion