Tuluyang pinagtibay ng Kamara ang panukalang amyenda sa ilang probisyong pang-ekonomiya ng 1987 Constitution na nakapaloob sa Resolution of Both Houses No. 7.
Umabot sa 288 ang bumoto pabor dito, 8 ang tumutol at may 2 na nag-abstain.
Nilalayon ng panukala na amyendahan ang restrictive economic provisions ng Saligang Batas at buksan sa mga foreign investors 100% ownership sa ilang sektor.
Gagawin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga katagang ‘unless otherwise provided by law’ upang bigyang flexibility ang Kongreso na gumawa ng mga kinakailangan pagbabago sa pamamagitan ng lehislasyon.
Partikular na aamyendahan ang Section 12 na tumutukoy sa public utilities, paragraph 2, Section 4 ng Article 14 para sa edukasyon maliban sa basic education at paragraph 2, section 11 ng Article 16 hinggil sa advertisement. | ulat ni Kathleen Forbes