Naiakyat na sa plenaryo ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7 o panukalang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.
Sa sponsorship speech ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe itinuturing niya itong makasaysayan bunsod na rin ng halos 2,481 na minuto o 41 oras na deliberasyon ng Committee of the Whole House sa RBH7.
Aniya, ang RBH7 ng Kamara ay nakatutok lamang sa tatlong key areas partikular ang public utilities, edukasyon, at advertising, na inaasahang magpapaunlad sa ekonomiya ng Pilipinas.
Muli rin nitong binigyang diin ang kahalagahan ng pag-amyenda sa ating Konstitusyon upang makasabay sa nagbabagong panahon at economic globalization.
Ayon naman kay Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, sa pagamyenda sa Article 11, makakahikayat ang Pilipinas ng dagdag na investment para maisaayos ang kalidad ng serbisyo at makapagbigay ng trabaho para sa mga Pilipino.
Sa Edukasyon o paragraph 2, Section 4 ng Article 14, mabibigyang prayoridad na aniya ang paglinang sa intellectual capital.
At sa pag-amyenda ng paragraph 2, section 11 ng Article 16 ay mabibigyang daan naman na makilala ang Filipino creatives sa iba pang panig ng mundo.
Binigyang diin din nito na na sa paglalagay ng “unless otherwise provided by law” ay mai-aadjust nila ang paghihigpit sa “foreign ownership” at makapagsusulong ng “flexibility” sa policy making.
Panawagan pa niya sa mga kasamahan sa Senado na ngayon na ang pinakama tamang panahon para amyendahan ang Saligang Batas at huwag sanang biguin ang mga Pilipino sa pagkamit ng Bagong Pilipinas.
sa panig naman ni Committee on Constitutional Amendments Chair Rufus Rodrigez, binigyang diin nito na ngayon na kailangan ang RBH 7 dahil sa nahuhuli na ang Pilipinas sa mga karatig bansa nito sa ASEAN sa pagpapapasok ng mga mamumuhunan.
Saad pa nito na ang pagpapatibay sa economic cha-cha ang pinaka makabayang hakbang na maaari nilang gawin bilang mga halal na kinatawan sa Kongreso. | ulat ni Kathleen Forbes