Giniit ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Dugs chairman Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kailangan ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) program para mapalakas ang depensa ng bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Dela Rosa, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng reserve force ng bansa ay mapapalakas rin ang ating pagdepensa sa Pilipinas.
Paliwanag ng senador, sa reserve force kukuha ng dagdag na pwersa sakaling kulangin o maubos na ang mga sundalo ng bansa.
Binigyang diin rin ng senador na hindi lang dapat puro salita ang pakikipaglaban para sa bansa kundi dapat ay sabayan rin ito ng aksyon.
Sa ngayon, naipresenta na sa plenaryo ng Senado ang Mandatory ROTC Bill (Senate Bill 2034).
Inaantabayanan na lang ito na mai-schedule para sa period of interpellation.| ulat ni Nimfa Asuncion