Naglabas ng anim na puntong direktiba si Department of National Defense (DND) Undersecretary Irineo Espino sa lahat tauhan at Bureau ng kagawaran, kabilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para maisulong ang Gender and Development (GAD).
Ito’y inanunsyo sa mensahe ni Usec. Espino na binasa ni Undersecretary Angelito De Leon, sa pagdiriwang kahapon ng DND ng National Women’s Month sa Camp Aguinaldo.
Pangunahin sa mga direktiba ang pagtiyak na ang DND ay “safe space” kung saan ang mga babae at lalaki ay malayang makilahok at umunlad.
Kabilang din sa mga direktiba ang: pagbuo ng GAD Agenda kung saan ilalaan ang 5% budget ng kagawaran; pagrebisa sa mga “outdated” GAD policy; paglikha ng mga plataporma para isulong ang kapakanan ng kababaihan; pagkakaloob ng mas maraming “capacity building activities” sa mga babae; at pagsali sa lahat sa mga GAD activity.
Ayon kay Usec. Espino, ito ay para masiguro na epektibong maisulong ang GAD campaign, hindi lang ngayong buwan ng kababaihan, kundi “all year round”. | ulat ni Leo Sarne
📸: DND