Nanawagan si Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go na dapat sabayan ng aksyon ng pamahalaan ang tumataas na kaso ng Tuberculosis (TB) sa bansa.
Ang pahayag na ito ng senador ay kasabay ng pagpapahayag ng pagkabahala sa pagtaas ng kaso TB.
Batay sa datos ng Department of Health, noong December 2023 umabot sa 612,534 ang naitala na bagong TB cases sa bansa o katumbas ng dagdag na 549 na kaso sa kada 100,000 populasyon, mas mataas ito kumpara noong 2022.
Binigyang diin ni Go, na nagagamot naman ang TB kung naagapan at sinasabayan lang ito ng tamang gamutan.
Pinunto rin ng senador, na ngayong taong 2024 ay itinaas sa P2.55 billion ang pondo para sa TB program mula sa P1.97 billion noong 2023.
Hinikayat din ng mambabatas ang pamahalaan, na ipatupad ng husto ang Republic Act 10767 o ang Comprehensive Tuberculosis Elimination Plan Act na nakatutok sa gamutan at pagkontrol sa TB. | ulat ni Nimfa Asuncion