Sen. Bong Go, pinangunahan ang groundbreaking ng Super Health Center sa bayan ng Lambunao, Iloilo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mainit na tinanggap si Senator Bong Go sa groundbreaking ceremony ng Super Health Center sa Brgy. Pasig, Lambunao, Iloilo.

Pinangunahan ng senador ang groundbreaking kasama si Lambunao Mayor Reynor Gonzales, health workers ng bayan, at mga stakeholders.

Sa pagbisita ng opisyal, pinasalamatan nito ang may-ari ng lupa para sa pagpapatayo ng proyekto na makatutulong para mapalapit sa mga mamamayan ang basic medical services.

Sa ipapatayong proyekto, maghahatid ang Super Health Center ng iba’t ibang serbisyo-medikal gaya ng out-patient care, birthing, isolation, X-ray, ultrasound, at pharmacy.

Nasa ₱12-milyong pisong pondo ang inilaan ng Department of Health para sa pagpapatayo ng Super Health Center at mga kagamitan.

Bukod sa groundbreaking ng Super Health Center, nagpunta rin ang opisyal sa DOLE-Tupad Orientation para sa 500 displaced workers sa bayan ng Lambunao sa Lambunao Covered Gym kung saan nagpamigay rin ang opisyal ng relief goods.

Nagbigay rin ng kasiyahan ang opisyal matapos magpa-raffle ng dalawang bisikleta at namigay ng bola ng basketball at volleyball sa mga residente. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us