Hinimok ni Senadora Grace Poe ang mga law enforcers at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na paigtingin ang aksyon laban sa mga ilegal na gawain ng mga POGO sa bansa.
Ginawa ng senadora ang pahayag matapos ang ginawang raid sa Tarlac kung saan higit 800 mga manggagawa ang na-rescue.
Ayon kay Poe, hangga’t wala pang kongkretong polisiya ang pamahalaan tungkol sa pagpapatigil ng operasyon mga POGO ay dapat lang higpitan ang pagbabantay sa aksyon ng mga ito.
Ito lalo’t ang mga krimen aniyang nauugnay sa mga nakapipinsalang aktibidad ng mga POGO ay mas nagiging malalala na gaya ng human trafficking, prostitusyon, kidnapping for ransom, torture, online scam at paglaganap ng mga pekeng ID at passport.
Iginiit ng mambabatas na isa itong insulto sa ating mga batas.
Magpapalaganap lang rin aniya ito ng cycle of exploitation at abuse hindi lang para sa mga Pilipino kundi maging sa mga dayuhang nabibiktima ng mga ilegal na POGO na ito. | ulat ni Nimfa Asuncion