Hindi naniniwala si Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe na kinakailangan pang magdeklara ng state of traffic clamity sa Metro Manila dahil araw-araw na itong nararanasan.
Iginiit ni Poe na ang kailangang gawin ng pamahalaan ay makinig at hingiin ang tulong ng mga eksperto mula sa lahat ng sektor.
Aniya, ang mabigat na traffic ay isang krisis na kailangan nang tugunan lalo’t base sa datos ay umaabot sa ₱3.5 billion kada araw ang nawawala sa ating ekonomiya dahil sa traffic congestion.
Para sa senadora, hindi lang ang pagdadagdag ng mga bagong kalsada ang tanging solusyon sa problema ng trapiko.
Dapat rin aniyang pagbutihin at palawakin ang mass transit system sa bansa.
Iminumungkahi rin ni Poe ang mas malawakang paggamit ng public electric vehicles sa Pilipinas, gaya ng ginagawa sa ibang mga bansa.
Pero sa pagsasakatuparan aniya ng programa ay dapat magkaroon ng plano kung paanong maisa-subsidize ng gobyerno ang naturang programa. | ulat ni Nimfa Asuncion