Iginiit ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagsusulong ng batas at konkretong aksyon upang matugunan ang gender-based disparities, at kilalanin ang mga kontribusyon ng kababaihan sa agrikultura.
Binigyang diin ng Senador, na ang mga kababaihan ang key players sa paglaban sa kagutuman at malnutrition, ngunit nahaharap sa mga sistematikong hadlang na naglilimita sa kanilang potensyal.
Bahagi ito ng kanyang talumpati sa National Women’s Month Celebration Kick-Off sa Department of Agrarian Reform (DAR) Central Office, na may temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society.”
Batay sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, ang mga kababaihan ay sumasakop lamang sa 26 porsiyento ng trabahong pang-agrikultura sa bansa.
Si Senador Legarda ang may akda at nag-sponsor ng mga kaugnay na batas, para protektahan at bigyang kapangyarihan ang kababaihan, tulad ng Anti-Trafficking in Persons Act, Magna Carta of Women, at Anti-Violence Against Women and Children Act. | ulat ni Rey Ferrer
Photo courtesy of Sen. Loren Legarda FB page