Para kay Senador Robin Padilla, tila napag-iinitan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy sa kaliwa’t kanang pagdinig sa kongreso at sa Department of Justice laban dito.
Nilinaw ni Padilla na hindi siya nag-abugado para kay Quiboloy…
Nagsasalita lang aniya siya bilang isang senador, at para ipaalala na may karapatan pa rin si Quiboloy sa ilalim ng bill of rights ng Konstitusyon at dapat idaan ang lahat sa due process.
Naniniwala rin si Padilla, na may isyu talaga sa seguridad ni Quiboloy lalo’t nakipaglaban ito sa mga komunista.
Dahil dito, hiniling na rin ni Padilla na payagan nang dumalo virtually si Quiboloy sa Senate hearing. | ulat ni Nimfa Asuncion