Hinikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pangunahan ang pagrebyu sa lahat ng cash assistance program ng pamahalaan.
Ayon kay Pimentel, ito ay para maiwasan ang korapsyon at ang magamit ang mga ayuda sa pulitika.
Giit ng minority leader, kailangang may rationalization ng mga ayuda program para matiyak na ang mga poorest of the poor nating mga kababayan ang direktang nagbenepisyo sa mga programa.
Paliwanag ni Pimentel, pangunahan dapat mismo ni Pangulong Marcos ang review sa mga ayuda program dahil ang budget ay nagsisimula sa executive branch na pinamumunuan ng presidente.
Hinimok rin ng mambabatas si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Atty. Larry Gadon na gawan ng paraan na ma-rationalize ang mga ayuda program ng gobyerno.| ulat ni Nimfa Asuncion