Sen. Raffy Tulfo, nag walk out sa pagdinig dahil sa inconsistencies ng testimonya ng mga pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-walk out si Senador Raffy Tulfo sa naging pagdinig ng Senate Committee on Public Order dahil sa inconsistencies sa mga sagot ng mga pulis.

Sa naging pagdinig, tinalakay ang kaso ni Rodelio Vicente at ng kanyang anak na si Julius na inaresto ng mga pulis sa Bulacan noong nakaraang taon ng walang warrant of arrest.

Inaresto ang dalawa sa kasagsagan ng manhunt operations ng mga pulis kay alyas ‘Elmer’ noong August 12, 2023, matapos pasukin ng mga police operative ang tahanan ng mga vicente.

Kinuwestiyon ni Tulfo kung bakit nakasuot ng bonnet ang mga pulis nang isagawa ang operasyon, at hindi rin nakuntento ang senador sa mga sagot ng ilang resource person tungkol sa pagkakaroon ng warrant of arrest ng mga pulis sa operasyon.

Para kay Tulfo, tila niloloko na lang siya ng mga pulis sa mga nagiging sagot nila kaya naman nag-walk out na ang senador.

Tila hindi naman nagustuhan ni Committee on Public Order Chairperson Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang ginawang walk out ni Tulfo.

Para kay dela Rosa, nakakainsulto na walk-out-an ng kapwa senador pero kinikilala naman niyang karapatan ito ni Tulfo.

Nilinaw rin ni dela R,osa na nagiging patas siya sa mga pagdinig at hindi niya bine-baby ang mga pulis kahit pa sabihing dati siyang hepe ng PNP.

Katunayan, base aniya sa records ay siya ang may pinakamaraming naipa-contempt na pulis sa mga pagdinig sa senado. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us