Inilarawan ni Senador Robin Padilla na ‘very strange’ ang isyu tungkol sa pagpapatayo ng resort sa gitna mismo ng Chocolate Hills sa Bohol.
Aminado si Padilla, na naguguluhan pa siya sa isyu kaya naman nais rin sana niyang marinig ang panig ng mga taga Bohol kung bakit hinayaan itong mangyari.
Suportado rin ng senador ang pagsasagawa ng Senate inquiry tungkol sa isyu.
Para sa senador, maganda sanang ma-preserve ang ganda ng Chocolate Hills at naguluhan siya kung bakit nalagyan ng swimming pool doon.
Sana man lang daw ay parang ilog man lang ang itinayo sa lugar.
Una nang naghain si Senate Committee on Tourism Chairperson Senator Nancy Binay ng resolusyon para makapagkasa ng senate inquiry sa isyu. | ulat ni Nimfa Asuncion