Nagsagawa ng military reservist recruitment sa Senado ngayong araw para hikayatin ang mga empleyado ng Senado na makilahok sa basic citizen military training.
Pinangunahan ni Senador Robin Padilla ang inisyatibong ito.
Ayon kay Padilla, ginawa niya ito dahil aminado siyang nawalan na siya ng pag-asa na maipapasa sa nalalapit na panahon ang mandatory ROTC bill.
Sa ginawang forum, 161 senate employees ang dumalo at nagpahayag ng interes sa reservist program.
Balak rin ni Padilla na iikot sa buong Pilipinas ang ganitong inisyatibo.
“Sobra na akong naiinip kaya gumawa ako ng sariling diskarte, patulong OSRP at Senado kahit sa Senado maumpisahan natin Citizens Military Training, di lang sa usaping giyera kundi pati sa calamities and mga emergencies….Para sa akin, sarili ko na lang, makumbinsi ko ang mga tao kasi para sa akin napakagandang halimbawa nito ‘pag nalaman may reservist sa Senado, magkakaroon ng programa makapagdagdag ng budget sa reservist. Sana makadagdag kami ng budget for reservist … dagdag tayo ng budget para makapagengganyo pa tayo.” — Seb. Robin Padilla. | ulat ni Nimfa Asuncion