Inamin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na malaking hamon ang pagpapasa ng panukalang economic chacha o ang resolution of both houses no. 6 sa Mataas na Kapulungan.
Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng impormasyon na nasa pitong senador na ang nagpahayag ng alinlangan sa pagpabor sa panukalang economic chacha.
Matatandaang kakailanganing makakuha ng 3/4 votes ng mga senador para makalusot ang eco chacha.
Ayon kay Zubiri, kabilang sa mga concern ng ilang senador ay ang magiging paraan ng pagboto para sa pag-amyenda ng economic provision ng konstitusyon gayundin ang pangamba na magalaw rin ang political provision ng saligang batas.
Pero nilinaw ng Senate President na mayorya ng mga senador ang naniniwalang kailagan nang amyendahan ang economic provision ng saligang batas
Sinegundahan rin ni Zubiri ang pahayag ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na dapat galingan ang pagdepensa sa RBH para makumbinsi pa ang ibang senador na sumuporta dito. | ulat ni Nimfa Asuncion