Umapela si Senate President Juan Miguel Zubiri sa China na itigil na ang lahat ng harassment sa Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay kasunod ng panibagong insidente ng water cannoning at pagsanggi ng Chinese Coast Guard sa sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa WPS.
Mariing kinondena ni Zubiri ang ginawang aksyon ng China sa tropa ng Pilipinas na nasa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Binigyang diin ng Senate leader na ang paggamit ng excessive force ay labag sa UNCLOS at sa rule of law of the sea.
Gumagawa lang aniya ang China ng atmosphere of fear sa WPS. | ulat ni Nimfa Asuncion