Siniguro ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipapasa ang mga panukala na isinusulong ng administrasyon sa buwan ng Hunyo.
Sa LEDAC meeting sa Malacañang, sinabi ng mambabatas na marami sa mga panukalang ito una nang naaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso at nasa final stages na.
Nasa 15 naman ang makukumpleto bago ang Sine die adjournment ng Senado, habang ang walong iba pa, maipapasa sa Hunyo.
Sinabi rin aniya ni House Speaker Martin Romualdez na on track sila sa pagdinig sa mga panukalang ito, lalo’t una na rin aniyang na-kompleto ang mga batas na ito, at naipadala na sa Senado.
Mula sa 57 priority bills, 14 sa mga ito ay naisabatas na habang ang 43 ang nakabinbin pa.
Ilan lamang dito ang: Open Access in Digital Transmission Act, Enterprise-based Education Programme (Apprenticeship Act), CREATE More, Panukala na bubuo sa Department of Water Management, at panukala na a-amyenda sa Universal Health Care Act.
Kabilang sa 15 priority measures na inaasahang maisasabatas sa Hunyo ay ang: Panukala para sa pag-amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act o angAnti-Agricultural Economic Sabotage Act, Self-Reliant Defense Posture Act, Philippine Maritime Zones Act, Real Property Valuation and Assessment Reform Act, Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS), at ang Negros Island Region Act.
Kabilang rin ang: Anti-Financial Accounts Scamming Act, Value Added Tax on Digital Services, Amendments sa Government Procurement Reform Act, Blue Economy Act, Waste-to-Energy Bill, Panukala para sa Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at National Service Training Program (NSTP); Unified System of Separation, Retirement, and Pension of Military and Uniformed Personnel; E-Government Act/E-Governance Act, at Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act.
Kabilang naman sa mga una nang naisabatas ay ang: SIM Card Registration Act, Postponement of Barangay/SK elections, Strengthening Professionalism in the AFP, New Agrarian Emancipation Act, Maharlika Investment Fund, Trabaho Para sa Bayan Act, Public-Private Partnership Code of the Philippines, Regional Specialty Centers, Automatic Income Classification of LGUs, Internet Transactions Act, Ease of Paying Taxes Act, Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act, Philippine Salt Industry Development Act, at New Philippine Passport Act. | ulat ni Racquel Bayan