Iminumungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat agad na magkaroon ng pagdinig sakaling maaresto at makuha na ng Senado ang kustodiya ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.
Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng paglalabas ng arrest order laban sa religious leader dahil sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa alegasyon ng pang-aabuso umano nito sa mga KOJC members.
Tiniyak naman ni Committee on Women Chairperson Senador Risa Hontiveros na agad silang mag-ii-schedule ng pagdinig oras na maaresto na si Quiboloy para marinig na rin ang panig nito sa mga isyung ibinabato sa kanya.
Dinagdag pa ng senador na kahit naka-session break ay handa siyang magkasa ng hearing.
Wala naman aniyang naka-schedule na out of the country trip ang senador kaya anytime sa session break ay nakahanda siya.
Hiling lang ni Hontiveros, sana ay ganito rin si Quiboloy kaya naman muling nanawagan ang senador sa Bureau of Immigration (BI) na magbantay nang maigi at tiyaking hindi makakalabas ng bansa si Quiboloy. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion