Giniit ni Senate Committee on National Defense chairman Senador Jinggoy Estrada na nakakabahala ang dumadaming presensya ng Chinese dredging vessels sa probinsya ng Zambales.
Ayon kay Estrada, ang dredging activities na ginagawa sa lugar ay may malaking epekto sa buhay ng mga residente ng Zambales na umaasa sa pangingisda.
Maaari kasi aniya itong makagulo sa balanse sa ecosystem sa karagatan.
Kaya naman dapat aniyang ikonsidera ang pangmatagalang epekto ng mga ganitong aksyon at kailangang protektahan ang natural resources ng ating bansa.
Kaugnay nito, naghain na ng resolusyon si Estrada para pagpaliwanagin ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ng pamahalaan tungkol sa isyu.
Aniya, dapat ang top priority ng ating bansa ay ang protektahan ang ating soberanya at pagtitiyak ng kapakanan ng ating kalikasan at ng mga Pilipino.| ulat ni Nimfa Asuncion