Inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) ang panibagong pagtaas ng singil sa kuryente para sa buwan ng Marso.
Taliwas ito sa naunang anunsyo ng kumpanya noong isang buwan na magbabawas-singil sila sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa MERALCO, bunsod ito ng pagtaas ng transmission charge na ipinapataw ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Batay sa abiso ng MERALCO, P0.02 kada kilowatt hour ang magiging umento sa buwanang billing ng mga customer nito na kumokonsumo ng 200 kwh na kuryente.
Una nang ipinahiwatig ng MERALCO ang panibagong umento sa singil sa kuryente bunsod naman ng gagawing pagbabago sa kanilang Power Supply Agreement sa kanilang supplier. | ulat ni Jaymark Dagala