Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pilot rollout ng paralegal training para sa mga social worker.
Aabot sa 40 social workers mula sa iba’t ibang larangan ang nakasama sa unang batch ng training na isinagawa ng DSWD Academy ngayong March 18-22.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Standards and Capacity Building Group (SCBG) Janet Armas, mahalagang magkaroon ng kaalaman sa paralegal ang social workers lalo na ang mga hahawak ng court cases partikular sa mga vulnerable individuals.
“The Department extends sincere gratitude to all participants for their fervor and dedication in providing assistance to our clients facing legal challenges. Together, we have the potential to significantly impact their lives and contribute to the advancement of this field,” Asst. Sec. Armas.
Dagdag pa nito, malaki ang maitutulong ng paralegal training para sa social workers dahil mabilis nilang maibibigay ang nararapat na legal na tulong para sa kanilang mga kliyente.
Layon din nitong masiguro na hindi malalabag ang karapatan ng mga mahihirap nating kababayan, matatanda, bata at kababaihan.
Ang 5-day training ay ginaganap sa University Hotel ng University of the Philippines Diliman Campus sa Quezon City. | ulat ni Merry Ann Bastasa