Binahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ginawa ng Senado ang lahat para mapadalo sa pagdinig ng Senado si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Zubiri, kabilang sa mga paraan na ginawa nila ang backchanneling.
Sa kabila nito ay ayaw pa rin aniyang dumalo ng religious leader sa Senate hearing kaya naman nagdesisyon na silang maglabas ng arrest order laban kay Quiboloy.
Tiniyak ng Senate President na pinag-aralan niya at ng kanilang legal team ang usapin.
Binigyang diin ni Zubiri na nirerespeto niya ang desisyon ng kumite at sa mataas na kapulungan ay nangingibabaw aniya ang committee system.
Siniguro rin ni Zubiri na oras na pumunta ng senado si Quiboloy ay gagalangin nila ang karapatan nito at magiging patas sila sa pagtrato.| ulat ni Nimfa Asuncion