Kaisa si Speaker Romualdez sa pakikidalamhati sa pagkasawi ng dalawang Pinoy seafarer dahil sa pag-ballistic missile attack ng Houthi rebels sa Gulf of Aden.
Ayon kay Romualdez, nakababahala rin ang insidente na siyang unang malagim na pag-atake ng Iran-backed militant group sa Red Sea.
Tatlong crew ang nasawi kasama ang dalawang kababayan natin habang may dalawa ring Pilipinong tripulante ang sugatan.
“Our hearts go out to the families and loved ones of the Filipino seafarers who lost their lives in this senseless and tragic attack. Their dedication and sacrifices while serving aboard the M/V True Confidence will always be remembered and honored,” sabi ni Romualdez.
Tiniyak din ng House leader na kumikilos na ang pamahalaan salig sa atas ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa agarang pagpapaabot ng tulong at suporta sa pamilya ng mga nasawi at sugatang tripulante.
“We stand in solidarity with President Marcos, the Department of Migrant Workers and the Filipino seafarers affected by this heartbreaking incident. It is imperative that we extend all possible assistance to the families of the victims and ensure that the injured receive the necessary medical care and support,” sabi pa ng House leader.
Panawagan din ni Speaker Romualdez, ang malalimang imbestigasyon sa pag-atake at hinimok ang international community na kondenahin ang karahasan na bumibiktima sa mga inosenteng sibilyan at maritime vessels.
Giit pa nito na prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga Filipino seafarer at sisiguruhing hindi na mauulit pa ang ganitong insidente.
Pangako pa nito sa mga pamilya ng biktima na hindi titigil ang gobyerno sa pagkamit ng hustisiya para sa kanilang mga kaanak at ang pagtiyak sa kaligtasan ng lahat ng Overseas Filipino Workers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes