Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang mensahe ng pakikiisa sa mga kababayan nating Muslim sa kanilang pagsisimula sa paggunita ng buwan ng Ramadan.
Aniya, malaki ang kaniyang paggalang sa ipinapakitang dedikasyon at debosyon ng Filipino Muslim Community sa sagradong bahagi ng kanilang pananalampataya.
Batid niya ang kahalagahan ng Ramadan bilang pagkakataon na magnilay at magdasal.
Ang diwa aniya na ito ng Ramadan ay buhay sa lahat ng kultura at relihiyon upang magsilbing inspirasyon na maging mas mabuting indibidwal at maabot ang mga nangangailangan, at magtulungan tungo sa isang lipunan na may kapayapaan at paggalang sa isa’t isa.
Dagdag niya na ang banal na buwan na ito ay isang paalala sa ating lahat, anuman ang ating pananampalataya, na huminto at pagnilayan ang ating buhay, mga aksyon, at kung paano tayo makakapag-ambag sa isang mas maayos at nagkakaunawaang lipunan.
Nangako rin si Romualdez na patuloy na isusulong ng Kamara ang pagsuporta at pagprotekta sa mga karapatan at kalayaan ng ating mga kapatid na Muslim.
“May this Ramadan bring you and your families peace, health, and happiness. May your prayers and sacrifices be accepted, and may this sacred time bring us closer together as a nation,” sabi ni Romualdez.| ulat ni Kathleen Forbes