Pinuri ni Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. paglagda nito sa tatlong bagong batas na naglalayong gawin ang pagkakapantay-pantay sa edukasyon, pagpapabilis ng passport services at pagpapalakas ng industriya ng asin.
Aniya, ipinapakita ng mga batas na ito ang determinasyon ng administrasyong Marcos na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
Nilagdaan ng Pangulo bilang batas ang Republic Act (RA) 11983 o ang New Philippine Passport Act; RA 11984, na mas kilala bilang No Permit, No Exam Prohibition Act; at RA 11985 o ang Philippine Salt Industry Act.
Sa pamamagitan aniya ng RA 11984, na nagbabawal “no permit, no exam” policy sa lahat educational institutions maiwasan na ang hindi pagbibigay ng pagsusulit sa mga estudyanteng hindi pa nakakabayad ng matrikula.
“By abolishing the ‘no permit, no exam’ rule, we are breaking down barriers and ensuring that every student, regardless of their financial background, has equal access to education,” ayon kay Speaker Romualdez.
Papayagan pa rin ang mga institusyon na humingi ng promissory notes, gumamit ng legal at administratibong hakbang upang makakolekta ng bayad.
Ngunit obligado pa rin ang mga educational institution na ibigay sa mga mag-aaral ang record at credentials ayon sa kanilang mga patakaran at regulasyon.
Inaasahan naman ni Speaker Romualdez na ang New Philippine Passport Act ay magdadala ng kinakailangang pagbabago sa proseso ng pag-a-aplay ng pasaporte sa bansa na mabilis at accessible sa lahat.
Maliban dito sisiguruhin na ang bagong henerasyon ng Philippine passports na ay international standards, magbibigay ng katiyakan sa seguridad at kakayahan para sa mga Pilipinong naglalakbay.
“By making the application process more accessible and user-friendly, we are empowering every Filipino to obtain travel documents efficiently and with minimal hassle,” ayon kay Speaker Romualdez.
Ikinalugod din ng House Speaker ang pagiging ganap na batas ng Philippine Salt Industry Development Act upang mapalakas ang sektor ng asin at bigyang pagkakataon ang Pilipinas na makipagkumpetensya sa iba pang mga bansa sa pamamagitan ng export.
“This legislation represents a crucial step forward in advancing the development and modernization of the salt industry in the Philippines,” ayon kay Speaker Romualdez. “This legislation underscores our commitment to supporting local industries and fostering sustainable production practices.” | ulat ni Kathleen Forbes