Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na makakayanan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na makumbinsi ang kaniyang mga kasamahan sa Senado para bumoto pabor sa kanilang bersyon ng economic charter change na Resolution of Both Houses no. 6.
Sa ambush interview kay Romualdez sa ginawang pagpapasinaya ng Philippine Cancer Center, inihayag nito na batid niya na mayroon talagang mga hamon sa Senado.
Ngunit ang mga hamong ito ay nagagawa naman nilang lagpasan, dahil sa magagaling silang mambabatas.
Dagdag pa niya, na batid ng mga senador na ang isinusulong na charter change ay para rin naman sa ikabubuti ng mga Pilipino.
“Ako naniniwala sa liderato ng Senado lalo kay [Senate President] SP [Juan Miguel] Migz Zubiri na kakayanin niya lahat at ikukumbinsi nya lahat ng mga kasamahan nya sa senado.” sabi ni Romualdez
“We understand the challenges pero the Senate has always live[d] up to the challenge. Magaling yung mga senador natin and I know that they know what’s good for the people.” dagdag pa niya
Una nang sinabi ni SP Zubiri, na magiging hamon ang pagkalap ng 18 boto para mapagtibay ang RBH6. | ulat ni Kathleen Forbes