Sinimulan na ng Department of Finance (DOF) ang serye ng stakeholders briefing para plantsahin ang priority tax measures at itulak ang agarang pagpasa ng mga panukala.
Kabilang sa mga prayoridad na panukala ng DOF ay ang Value Added Tax sa Digital Service Providers; ang pagpataw ng Excise Tax sa mga Single – use Plastics; Package 4 ng Comprehensive Tax Reform program, rationalization ng Mining Fiscal Regime at ang Refor on Motor Vehicle User’s Charge.
Una nang sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na bagaman maayos na ang ilang proposals kung saan nakabase ito sa sitwasyon ngayon ng ekonomiya, meron lamang ilan na nakitaan ng hindi inaasahang epekto na maaring maging hadlang sa paglago ng ilang sector.
Una nang sumalang ang rationalization of Mining and Fiscal Regime na naglalayong gawing simple ang tax system, bigyang daan ang patas na revenue collection sa pagmimina at istabilisa ang mabuting pangangasiwa sa mining industry.
Sinabi ni Recto na ang handa ang DOF na makipagtulungan sa lahat ng stakeholders upang upang mapabuti ang batas.
Tiwala ang kalihim na susuportahan ng Kongreso ang “long overdue reform”. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes