Isinailalim na sa state of calamity ang Iloilo City dahil sa outbreak ng pertussis o “whooping cough”.
Sa ginanap na special session nitong Martes, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang resolusyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) na nagrerekomenda sa pagdeklara ng state of calamity sa lungsod.
Base sa datos ng City Health Office, nakapagtala ang lungsod ng 16 kaso ng pertussis, as of March 26, kung saan 7 dito ay kumpirmadong pertussis at 9 ay suspected cases.
Sa pagdeklara ng state of calamity sa lungsod, gagamitin ng lokal na pamahalaan ang pondo mula sa DRRM fund sa pamimili ng gamot, bakuna at training ng mga personnel sa molecular laboratory. | ulat ni Emme Santiagudo | RP1 Iloilo