Maraming areas of cooperation ang maaaring i-explore ng Pilipinas at Czech Republic.
Halimbawa lamang dito ang linya ng electronics at cyber.
Ito ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay isa lamang sa mga nadiskubre ng pamahalaan sa dalawang araw ng State Visit ng Pangulo sa Prague.
“I think that considering that it has only been a very short visit, we had many good discussions with the President, President Pavel. At he has wide experience in NATO. So, ‘yung geopolitical dito sa Central Europe, Eastern Europe, marami kaming napag-usapan.” -Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, naging produktibo ang pagbisitang ito, kung saan lumalabas na higit pa sa kaniyang inasahan ang koneksyon ng dalawang bansa.
“Marami pala talaga tayong puwedeng gawin. Kasi kung minsan ako, I’ll have to admit, hindi ko nalalaman kung gaano na kagaling ang kanilang mga industriya.” -Pangulong Marcos.
Sa pagbisitang ito, nasa tatlong Memorandum of Understanding (MOU) ang nalagdaan, sa linya ng semiconductor at IT-BPM sector.
Bukod dito, naging mabunga rin ang mga usaping natalakay nila, kasama ang mga opisyal ng Czech.
Nagpahayag rin aniya ng kahandaan ang Czech companies na maglagak ng pamumuhunan sa bansa.
Habang nakakuha ng suporta ang bansa para sa posisyon nito sa iba’t ibang regional at international issues.
“We discovered many other things that have potential. Hindi ko sasasabihin na siguradong mangyayari pero may potential na puwede talagang magpartner sa Czech Republic at saka ang Pilipinas. So, I’m very happy to say that the little time spent here in Prague has been quite productive.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan