Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na wala nang kaso ng bird flu ang lalawigan ng Sultan Kudarat.
Inisyu ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang deklarasyon dahil lumipas na ang 90 araw mula nang makumpleto ang disinfection operations at magnegatibo ang surveillance activities sa lalawigan.
Dahil dito, papayagan na ang pagpasok at paglabas ng poulty products sa lalawigan.
Matatandaang unang naitala ang kaso ng Avian Influenza sa ilang bayan sa Sultan Kudarat gaya ng Tacurong, Isulan, Lebak, Lutayan at President Quirino noong Marso ng 2022.
Ngayong bird flu- free na ang lalawigan, patuloy naman aniyang sisikapin ng DA na maprotektahan ang poultry industry sa Sultan Kudarat. | ulat ni Merry Ann Bastasa