Namamalagi ang katatagan sa suplay ng kuryente sa harap ng patuloy pa ring nararanasang El Niño phenomenon.
Ito ang pagtiyak ng Malacañang base na rin sa ulat na ipinararating sa kanila ng Department of Energy.
Ayon Kay PCO Assistant Secretary Joey Villarama na siya ring tagapagsalita ng Task Force El Niño, wala namang major power outages ang naiuulat magmula nang tumama sa bansa ang tagtuyot at napapanatili naman ang serbisyo ng kuryente sa mamamayan.
Kung mayroon mang mga lugar na tinamaan ng blackout, sinabi ni Villarama na nasa klasipikasyon naman ito ng isolated case lamang.
Inihalimbawa rito ng PCO official ang nangyari sa Panay na patuloy naman aniyang tinututukan ng Energy Department. | ulat ni Alvin Baltazar