Pinagtibay lamang ng suporta ng Germany sa Pilipinas kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea at ang bilyong dolyar na halaga ng investment deal ang importansya ng diplomatic initiatives ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang tinuran ni Speaker Martin Romualdez na kasamang sumaksi sa pulong nina Pangulong Marcos at German Chancellor Olaf Scholz at sa Philippine-German Business Forum.
Ani Romualdez, sa gitna ng patuloy na agresibong aksyon ng China sa WPS, mahalaga na makipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga kaalyadong bansa na kumikilala rin sa kahalagahan ng pagtalima sa international law.
Sabi pa ng lider ng Kamara na isa ito sa pinakamabigat na ‘diplomatic victory’ ni PBBM sa tatlong araw niyang working visit sa Germany.
“In the face of increasing aggressiveness by China, enlisting the support of like-minded allies, such as Germany, is of immense value to our national interest in the West Philippine Sea as it adds more weight to our position that international law, not unilateral actions, should govern the conduct in the area. We must note that Germany’s support is not singular as it joins other countries that recognize UNCLOS as the binding norm in the West Philippine Sea. As such, this diplomatic victory President Marcos clinched during his three-day working visit to Germany is invaluable to our nation and our people.” aniya.
Punto pa ng House Speaker na hindi lang basta salita ang suporta ng Germany sa Pilipinas dahil matagal na itong nagbibigay ng training sa ating AFP mula pa 1974 gayundin ang capacity-building ng Philippine Coast Guard.
Pinapurihan din ni Romualdez si Pangulong Marcos sa pagsisikap nito na maselyuhan ang nasa US $4 billion na halaga ng investment deals.
Kabilang dito ang tatlong letters of intent, dalawang memoranda of agreement at tatlong memoranda of understanding.
“This accomplishment not only reflects President Marcos’s dedication to advancing our nation’s economic growth but also underscores his steadfast commitment to serving the Filipino people.” ani Romualdez.
Patunay aniya ito na iniisip ng Pangulo ang pagbibigay trabaho sa mga Pilipino at pagpapalakas ng ekonomiya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes