Handa ang pamahalaan na ibigay ang lahat ng suporta para sa mga rebeldeng hanggang ngayo’y nananatili pa rin sa pamumundok.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa gitna ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng gobyerno na mahikayat ang natitirang mga rebelde na magbalik-loob na at maging bahagi ng lipunan.
Sinabi ng Pangulo na sisiguraduhin nilang maipagkakaloob ang lahat ng suporta sa mga rebel returnee gaya ng pabahay, livelihood, school infrastructure at iba pa.
Idinagdag ng Chief Executive na magiging tuloy-tuloy din ang kampanya ng pamahalaan laban sa armed destructions partikular na sa loose firearms.
Ito ayon kay Pangulong Marcos ay ginagawa na rin sa iba’t ibang mga probinsiya gaya ng isinagawa ngayong araw sa Sumisip, Basilan. | ulat ni Alvin Baltazar