Nagpahayag ng interes ang Swedish investors na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa matatag na macroeconomic fundamentals, magandang business climate at highly skilled workforce.
Ito ay kasunod ng pulong ni Finance Secretary Ralph Recto kamakailan sa mga kinatawan ng Skandinaviska Enskilda Banken (SEB), ang nanungunang North European financial group na may kasalukuyang market value na $30.61 bilyon.
Ayon kay Recto, interesado ang Swedish investors sa defense industry na inaasahang magpapasigla sa kakayanan ng Pilipinas at makakalikha ng trabaho para sa mga Pilipino.
Binigyan diin din ng mga investors na dahil sa kanilang membership sa North Atlantic Treaty Organizationo (NATO) kamakailan, malaking oportunidad ito sa Swedish arms manufacturers na makapag-ambag sa modernisasyon ng depensa ng PIlipinas.
Kabilang din sa iba pang ‘areas for collaboration’ na tinalakay ng DOF at Swedish investors ang sektor ng pharmaceutical, financial solution, green projects at public-private partnership.
Ang pulong ay dinaluhan din ni Ambassador of the Kingdom of Sweden to the Philippines Annika Thunborg. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
📷: DOF