Bubuksan na ng lokal na pamahaalan ng Taguig City ang mga pasilidad at ilang mga serbisyo na nasa Embo barangays ang health services at ilang mga parke na ipinasara ng lungsod ng Makati.
Sa isang statement, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Taguig na hindi sila ang nagpasara ng mga naturang mga pasilidad kundi ang Makati City.
Dagdag pa ng lungsod na titiyakin nitong magagamit itong muli sa tamang layunin at ibabalik ng Taguig sa taumbayan ang parke, at bubuksan itong muli upang kanilang mapakinabangan gayundin ang iba pang mga pasilidad tulad ng health centers at iba pa.
Sa huli, muling iginiit ng Taguig na ang para sa tao ay tiyak na ibabalik para sa tao. | ulat ni AJ Ignacio