Mas nabibigyang halaga na ngayon ng mga mambabatas ang ginagawa nilang pagtalakay sa pambansang pondo dahil sa tagumpay ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).
Sa isang pulong balitaan sinabi ni Deputy Majority leader Jude Acidre na kung dati, ay numero at halaga lamang ng pondo ng kada ahensya at programa ang kanilang pinag uusapan tuwing budget season, dahil sa BPSF ay nag karoon na ito ng mukha at kwento.
Ngayon kasi nakikita na nila mismo na nagugugol ng tama ang pondo na kanilang binubuo at binubusisi at naipapa abot sa taumbayan ang serbisyo ng gobyerno.
“When we look at the budget, when we follow through with the budget, when we sign in the budget every year as we do for the budget hearings, mas kakaiba na ang appreciations namin. Kasi may mukha na, may situation na. May kwento na sa mga nakikita naming numero lang” sabi ni Acidre
Kaya inaasahan aniya niya na mas magiging masigasig ang mga mambabatas sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya para mas maintinidhan pa ang mga programa.
Sa ilalim ng BPSF, nagsama-sama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para maibaba at mailapit ang serbisyo at tulong ng pamahalaan sa mga Pilipino
Kasalukuyang ginaganap ngayon sa Butuan, Agusan del Norte ang BPSF. | ulat ni Kathleen Jean Forbes