Muling nagpulong kahapon ang Task Force El Niño para tiyakin ang kanilang “coordinated efforts” sa pagtugon sa El Niño.
Pinangunahan ni Task Force Chair at Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. ang pulong kung saan natakay ang mga hakbang na ginagawa ng iba’t-ibang ahensya para maibsan ang epekto ng matinding tagtuyot.
Nagbigay ng update ang iba’t-ibang ahensya sa kanilang interventions o mga hakbang na ginagawa na at mga hakbang na gagawin pa lang.
Kasama sa pulong sa Camp Aguinaldo sina DOST Secretary Renato Solidum Jr., DSWD Undersecretary Diane Rose Cajipe at mga kinatawan ng DENR, DA, DOH, NEDA, DOE, DILG, DICT, at PCO.
Binigyan diin naman sa pulong ang pagtutok sa mga hamon sa water sector, public safety, energy sector, health sector, at food and security sector ngayong El Nino. | ulat ni Jaymark Dagala