Welcome para sa Teachers’ Dignity Coalition ang desisyon ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi patawan ng parusa ang guro na nag-viral dahil sa paninigaw at pangmamaliit sa kanyang mga mag-aaral.
Sa isang pahayag, sinabi ni TDC National Chairperson Benjo Basas na ikinagagalak nilang naunawaan ni VP Duterte ang katayuan ng mga guro.
Gayumpaman, sinabi ni Basas na dapat may matutunan dito ang kagawaran at dapat bumalangkas ng mga polisiya kaugnay sa child protection policy.
Nauna na kasing nagkaroon ng kalituhan ang maraming guro sa kung papaano didisiplinahin ang mga mag-aaral.
Kaya mas mainam aniya kung magkakaroon ng malinaw na polisiya ang Department of Education kung hanggang saan at kung paano didisiplinahin ang mga bata. | ulat ni Diane Lear