Welcome para kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na pinagsabihan lang at hindi na papatawan pa ng sanction ng Department of Education ang guro na nanermon sa kaniyang mga estudyante habang naka-livestream sa social media.
Ayon sa mambabatas, batid naman ng lahat ang mabigat na trabaho ng mga guro na maraming hamon at pasaning kinakaharap.
Gayunman, aminado si Castro na dapat ito ay nailalabas sa mas maayos na paraan.
Kaya apela nito na magkaroon ng dagdag na guidance counselor at psychologists sa mga paaralan at maglunsad ng mental health activities para maiwasan ang outbursts o mental breakdown ng mga guro, estudyante at iba pang mga nasa paaralan.
Muli ring nanawagan si Castro para sa agarang pagsasabatas ng Teachers Protection Bill.
Sa ilalim nito ay nilalayong protektahan ang mga guro at instructors mula sa maling akusasyon ng ‘child abuse’.
Naaprubahan na aniya ito sa komite ngunit hindi pa naiaakyat sa plenaryo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes